Nagsagawa ang mga tauhan ng Aurora PNP ng Tree Planting Activity kaugnay sa pagdiriwang ng World Wetlands Day sa NGP Sites, MENRO, Barangay Dibacong, Casiguran, Aurora nito lamang Sabado, ika-3 ng Pebrero 2024.

Ang nasabing aktibidad ay pinamunuan ni Police Lieutenant Colonel Cielo Caligtan, Force Commander ng Aurora 2nd Provincial Mobile Force Company.
Masugid na nakilahok din sa naturang aktibidad ang mga miyembro ng Kaligkasan Volunteers, Philippine Coastguard, Force Multipliers Advocacy Support Group, Women Sector, BPATs at Barangay Officials.

Ang ganitong aktibidad ay isa sa pagtalima sa PNP CORE Values na “Makakalikasan” at bahagi sa 5-Focused Agenda ni CPNP, para mas maayos at epektibong puwersa ng pulisya sa ilalim ng “Community Engagement” at Serbisyong Nagkakaisa.