Timbog ang isang High Value Individual sa ikinasang buy-bust operation ng mga awtoridad sa Brgy. Dalid, Oras, Eastern Samar nito lamang Sabado, Pebrero 3, 2024.
Kinilala ni Police Colonel Jose Manuel Payos, Provincial Director ng Eastern Samar Police Provincial Office, ang akusado na si alyas “Niko”, 31 anyos, driver at residente ng San Policarpio, Eastern Samar.
Bandang 9:32 ng gabi nang ikasa ang operasyon ng pinagsanib pwersa ng mga tauhan ng Eastern Samar Police Provincial Office – Provincial Drug Enforcement Unit (Lead Unit), kasama ang Philippine Drug Enforcement Agency Regional Office 8, Oras Municipal Drug Enforcement Unit, Provincial Intelligence Unit, Regional Intelligence Division 8 at 801st Maneuver Company, Regional Mobile Force Battalion 8.
Nakumpiska sa suspek ang anim na pakete ng hinihinalang shabu na may tinatayang timbang na humigit kumulang na 0.82 gramo na nagkakahalaga ng Php5,576 at isang genuine money na Php100-peso bill kasama ang Php3,000 na boodle money.
Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Ang kapulisan ng Eastern Samar katuwang ang PDEA ay patuloy na magsasagawa ng operasyon kontra ilegal na droga upang sugpuin ang paglaganap ng ipinagbabawal na gamot sa ating komunidad.
Panulat ni Patrolwoman Maurene A Kiaki