Antique – Arestado ang isang wanted person sa isinagawang operasyon ng kapulisan ng Valderrama Municipal Police Station sa Probinsya ng Antique nito lamang ika-5 ng Pebrero 2024.
Naaresto ang akusado bandang alas-6:30 ng umaga sa Sitio Bunga, Brgy. Bugnay, Antique, nang isilbi ang warrant of arrest ng pinagsanib pwersa ng mga tauhan ng Valderrama MPS (Lead Unit), kasama ang 1st Antique PMFC.
Kinilala ni Police Captain Alfonso C Precia ang akusado na si alyas “Anog” at residente ng itio Bunga, Brgy. Bugnay, Antique.
Si alyas “Anog” ay may Warrant of Arrest sa kasong “Attempted Murder” sa ilalim ng Art. 248 ng Revised Penal Code na may rekomendadong piyansa na nagkakahalaga ng Php120,000.
Patuloy ang pagsusumikap ng Valderrama PNP upang mahuli ang iba pang wanted person sa kanilang lugar upang mapanatili ang kaligtasan at kaayusan ng kanilang nasasakupan.