Nueva Ecija – Nagsagawa ng Community Outreach Program ang mga tauhan ng Nueva Ecija 2nd Provincial Mobile Force Company sa Platoon Carranglan Base sa Barangay Minuli, Carranglan, Nueva Ecija nito lamang Biyernes, ika-2 ng Pebrero 2024.
Ang naturang aktibidad ay pinangunahaan ni Police Lieutenant Pepe Alindayo Jr., Platoon Leader, na kung saan namahagi ng food packs na naglalaman ng bigas, noodles at mga de-lata sa 20 pamilya sa naturang lugar.

Kaugnay nito, nagbigay kaalaman ang pulisya patungkol sa mga batas at Crime Prevention tips sa mga kalahok sa aktibidad.
Ang Nueva Ecija PNP ay patuloy ang pagbibigay ng tulong sa ating mga kababayan upang maipadama ang pagmamahal at mapabuti ang pagkakaisa ng PNP at ang komunidad.
Source: Nueva Ecija Second PMFC
Panulat ni Pat Lixen reyz A Saweran