Patuloy ang pagmamalasakit ng kapulisan sa ating Inang kalikasan sa isinagawang Clean-Up Drive ng mga tauhan ng Regional Police Community Affairs and Development Unit 2 sa ilalim ng pamumuno ni Police Lieutenant Colonel Efren Fernandez II, Acting Chief, RPCADU 2 sa Barangay Ugac Sur, Tuguegarao City, Cagayan nito lamang ika-3 ng Pebrero 2024.

Katuwang sa nasabing aktibidad ang mga residente, opisyales ng Barangay at DOLE Tupad na nagpamalas ng aktibong pakikiisa pagdating sa kalinisan na siyang nagbibigay ng maaliwalas na kapaligiran.
Samantala, umabot naman sa sako-sakong mga basura ang nahakot sa nasabing lugar kabilang na ang mga plastics cups at wrappers na siyang nagiging polusyon sa kapaligiran dahil kabilang ito sa mga hindi nabubulok na basura.

Layunin ng aktibidad na ipakita ang pagmamahal sa kalikasan at malasakit sa kapaligiran na siyang pangunahing proteksyon sa panahon ng kalamidad.
Patuloy ang paghimok ng kapulisan sa publiko na makiisa sa programa ng pamahalaan tungo sa pagkamit ng maayos, ligtas at payapang pamayanan.
Panulat ni Micah A Enriquez