Arestado ang Ranked 1 Regional Most Wanted Person ng Bikol sa isinagawang Manhunt Operation ng pulisya sa Barangay Mabuhay, Bulusan, Sorsogon nito lamang Pebrero 2, 2024.
Kinilala ni Police Colonel Dionesio Laceda, Provincial Director ng Sorsogon PPO, ang akusado na si alyas “Homer”, 52, may asawa at residente ng Barangay Tughan, Juban, Sorsogon.
Ayon kay PCol Laceda, bandang 5:00 ng umaga ng naaresto ang akusado ng pinagsanib na mga operatiba ng Juban MPS- Sorsogon PPO, Bulusan MPS- Sorsogon PPO, RIU-5 PIT Sorsogon, Sorsogon 2nd PMFC at 31st IB, PA.
Inaresto ang akusado sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong Murder at paglabag sa COMELEC Gun ban na walang inirekomendang piyansa.
Ang PNP Bicol sa ilalim ng pamumuno ni PBGen Andre P Dizon, Regional Director ng PRO5 ay patuloy na maglulunsad ng mga operasyon upang mahuli ang mga taong wanted o may pananagutan sa batas upang maihatid ang hustisya sa kanilang mga naging biktima.
Source: PNP Kasurog Bicol