Laguna – Nasamsam ang tinatayang Php209,000 halaga ng shabu sa dalawang Street Level Individual (SLI) sa ikinasang magkahiwalay na buy-bust operation ng Alaminos PNP nito lamang Pebrero 1, 2024.
Kinilala ni Police Colonel Gauvin Mel Unos, Acting Provincial Director ng Laguna Police Provincial Office, ang mga suspek na sina alyas “Geric” at “Elmer”, nakatala ding Newly Identified Drug Suspects na nagmula sa bayan ng Alaminos, Laguna.
Naaresto si alyas “Geric” bandang 02:26 AM sa Brgy. 1, Alaminos, Laguna sa isinagawang buy-bust operation ng Drug Enforcement Team ng Alaminos Municipal Police Station at nakumpiska mula sa suspek ang isang pirasong heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na tumitimbang ng higit kumulang 25.4 gramo na nagkakahalaga ng Php172,720, isang unit ng android cellphone, tig-isang pirasong Php1,000 at Php500 bill bilang boodle money.
Samantala si alyas “Elmer” ay naaresto naman bandang 5:15 AM sa Brgy. San Andres, Alaminos, Laguna sa isinagawang buy-bust operation ng Drug Enforcement Team ng Alaminos Municipal Police Station at nakumpiska ang isang pirasong small heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na tumitimbang ng higit kumulang 5.50 gramo na nagkakahalaga ng Php37,000 at dalawang Php500 bill bilang boodle money.
Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Sections 5 at 11, Article II ng RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
“Ang pagkaaresto ng suspek na ito ay bunga ng matiyaga at walang pagod na pagtatrabaho ng kapulisan ng Laguna. Tinitiyak namin ang patuloy na pagkilos ng ating kapulisan para malipol at maiiwas natin ang ating mga kababayan sa bawal na gamot”, pahayag ni PCol Unos.
Source: Laguna Police Provincial Office
Panulat ni Patrolwoman Angelica Rica Teng