Saturday, November 23, 2024

PNP Outreach Program, isinagawa sa San Gabriel, La Union

San Gabriel, La Union – Ika-27 ng Enero taong kasalukuyan ng bumiyahe at naglakad ng halos isang oras ang mga kapulisan ng Police Regional Office 1 at La Union Police Provincial Office ng marating at mahatiran lamang ng tulong ang mga kababayan natin sa Brgy. Bayabas, San Gabriel, La Union.

Nagsagawa ang PNP ng community outreach program sa pamumuno ni Police Brigadier General Emmanuel B. Peralta, Regional Director ng Police Regional Office 1 at ni Police Colonel Jonathan G. Calixto, Provincial Director ng La Union Police Provincial Office.

90 residente ang nahandugan ng mga grocery packs, school supplies, assorted candies, hygiene kits, dental kits, bathroom essentials at mga laruan.

Nagbigay aliw din si Police Lieutenant Diego (PNP Mascot) sa mga residente sa pamamagitan ng pagsayaw sa saliw ng katutubong kanta at musika na sinabayan din ng mga kapulisan, barangay officials, residente at miyembro ng National Coalition for Lingkod Bayan and Advocacy Support Group Members.

 “Ang mga ganitong aktibidad na isinasagawa ng mga kapulisan ay patunay na seryoso sa pagbibigay serbisyo sa mga mamamayan at makakaasa sa tulong at kalinga mula sa gobyerno”, saad ni Police Colonel Calixto.

Iginiit din niya ang maigting na suporta mula sa mamamayan ay susi sa mapayapang pamayanan.

Samantala, ipina-abot naman ng Brgy. Chairman na si Antonio Gasmen ang kanyang pasasalamat. “Lubos ang aming pasasalamat sapagkat kahit na malayo ang aming lugar ay nabigyan ninyo ng pansin at pinagtiyagaan ninyong puntahan.”

Bilang bahagi din ng programa ay nagbahagi sila ng kaalaman ukol sa RA 8353, Anti-cybercrime, RA 9262, Senior Citizen’s Act, ELCAC, proper hygiene practices at anti-crime prevention tips.

Kabilang sa mga dumalo ay mula sa Regional Anti-Cyber Crime Unit 1, Regional Medical and Dental Unit 1, Provincial Community Affairs and Development Unit, 1st La Union Mobile Force Company at San Gabriel Police Station.

####

Panulat ni PSSg Carmela G Danguecan

1 COMMENT

Comments are closed.

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,310SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles