Nakumpiska ang tinatayang Php375,000 halaga ng shabu sa isinagawang buy-bust operation sa Brgy. Awang Datu Odin Sinsuat, Maguindanao Del Norte nito lamang ika-29 ng Enero 2024.
Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Richard Palay, Officer-In-Charge, Special Operation Unit 15, ang suspek na si alyas “Boss”, 30, na residente ng nasabing lugar.
Naging matagumpay ang operasyon dahil sa pinagsanib na pwersa ng mga operatiba ng PNP Drug Enforcement Group Special Operation Unit-15, Datu Odin Sinsuat Municipal Police Station, Regional Drug Enforcement Unit, 1404th Regional Mobile Force Battalion, 2nd Maneuver Platoon ng 1st Provincial Mobile Force Company na may koordinasyon sa Philippine Drugs Enforcement Agency.
Nakumpiska mula sa suspek ang hinihinilang shabu na may kabuuang timbang na 55.5 gramo na nagkakahalaga ng Php375,000, isang piraso ng Php1,000 bill, isang yunit na motorsiklo CB Honda 125 at dalawang cellphone.
Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002”.
Ang matagumpay na operasyon ay resulta ng kampanya kontra ilegal na droga at sa anumang uri ng kriminalidad upang mapanatiling ligtas at payapa ang komunidad.
Panulat ni Patrolwoman Veronica Laggui