San Francisco, Surigao del Norte (January 24, 2022) – Naaresto ng mga tauhan ng San Francisco Municipal Police Station ang Top 1 Most Wanted Person (Municipal level) dahil sa paglabag sa Sec.10 (a) ng RA 7610 o Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination at RA 8353 o Anti-Rape Law of 1997 sa Purok 5, Barangay Honrado, San Francisco, Surigao del Norte noong Enero 24, 2022.
Kinilala ni Provincial Director, Police Colonel Renato Mercado ang suspek na si Larry Dalanan Jr, 42 taong gulang, magsasaka, at residente ng Purok 5, Barangay Honrado, San Francisco, Surigao del Norte.
Inaresto ang suspek sa bisa ng Warrant of Arrest sa Paglabag sa Sec.10 (a) ng R.A 7610 na may Criminal Case number 15176 at may rekomendang piyansa na Php80,000.00, at RA 8353 na may Criminal Case number 15177 na walang piyansa na inirekomenda na inisyu noong Marso 18, 2021 sa RTC Branch 30 sa Surigao City.
“We will remain steadfast in our campaign against wanted persons and put them behind bars”, saad ni PD Mercado.
####
Panulat ni Patrolman Jhunel D Cadapan RPCADU13
Great Job para sa mga alagad ng batas