Impasugong, Bukidnon (January 21, 2022) – Sa isinagawang operasyon ng pinagsanib pwersa ng 16th Infantry Battalion katuwang ang 4th infantry Division’s Operational control at ng PNP Special Action Force laban sa insurhensiya sa bansa sa Barangay Kalabugao, Impasugong, Bukidnon na nagresulta sa pagkapatay ng isang CPP-NPA Terrorist Commander sa Mindanao at ng kanyang kasama noong Enero 21, 2022.
Ayon kay Lt. Col Neil Armstrong Batayola, Commanding Officer ng 16IB, 402nd Infantry Brigade, agad silang tumugon sa reklamo ng isang concerned citizen hinggil sa isang grupong nagsasagawa ng pang-aabuso sa lugar na nagresulta sa palitan ng putok sa labinlimang (15) rebelde.
Nakilala ang nasawi na si Pedro Codaste Alyas “Gonyong” ang pangalawang kumander ng NPA sa Mindanao.
Natagpuan naman ang isang (1) AK47 rifle at isang (1) Cal. 45 Pistol sa pinagyarihan ng engkwentro.
“Codaste was considered as the acting KOMMID Chairman after the death of Cabanatan alias Kuba, Madlos alias Ka Oris and Villanueva alias Ka Bok. Miyembro siya ng CPP’s Central Committee at Consultant ng National Democratic Front (NDF). Dati siyang, Secretary ng Guerilla Front 4A (GF4A) sa Agusan del Sur noong dekada ’90s na kalaunan ay naging Secretary ng North Central Mindanao Regional Committee noong 2009. Naitalaga siya ng Central Committee ng CPP 2nd Congress noong 2016,” saad ni BGen Vesliño.
Si Codaste ay may Warrant of Arrest at nahaharap sa patong-patong na kasong murder, double frustrated murder at attempted murder.
“We have once again delivered justice for our people. While we extend our sympathies to the families and friends of those killed, Codaste’s death is a tangible reminder that injustices that brought suffering and numerous deaths will forever haunt us. A clearer manifestation of the people in rejecting the CPP-NPA-NDF,” dagdag pa ni BGen Vesliño.
Patuloy na hinihimok ang mga natitirang lider at miyembro ng grupo na sumuko na upang maiwasan ang kaparehong kapalaran ni Codaste at sa pamamagitan ng Enhanced Comprehensive Local Integration Program o E-CLIP ng gobyerno, sila ay mapayapang makakabalik sa kanilang mga pamilya.
####
Panunulat ni Patrolman Edwin Baris, RPCADU 10
Great work thanks PNP