Balamban, Cebu (January 22, 2022) – Isang lalake ang naaresto sa pagtutulak ng ilegal na droga sa isinagawang buy-bust operation ng mga kapulisan ng Balamban Municipal Police Station noong ika-22 ng Enero 2022 sa Brgy. Aliwanay, Balamban, Cebu.
Ang suspek ay kinilalang si Arnold Gabito Bacus Jr., aka Arnold Bacus, 22 taong gulang, walang asawa at residente ng Brgy. Buanoy, Balamban, Cebu na nahaharap sa kasong RA 9165 Section 5 at Section 11 ng nasabing batas.
Nakuha mula sa suspek ang anim (6) na pirasong sachet na pinaniniwalaang shabu at isang (1) piraso na Php500 bill na ginamit bilang mark money o buy-bust money.
Ang matagumpay na pagkakahuli ng nasabing suspek ay sa pagsisikap ng mga operatiba ng Balamban Municipal Police Station sa pangangasiwa ni PMaj Reyco Roma Romaguera, Acting Chief of Police, at sa pangunguna ni PLt Leopoldo Bauzon, Deputy Chief of Police at sa pagkikipagtulungan sa PDEA 7.
Ang patuloy na kooperasyon ng publiko ay isang malaking tulong upang mahuli at masakote ang lahat ng uri ng kriminalidad.
####
Panulat ni Patrolman Aivan Guisadio
Ipagpatuloy ang pay sugpo sa nga gawaing ilegal. Mabuhay PNP,
Congrats sa mga kapulisan