Maguindanao del Norte – Arestado ang isang lalaki sa kasong paglabag sa RA 9262 ng mga miyembro ng Datu Blah Sinsuat Municipal Police Station sa Brgy. Penansaran, Datu Blah Sinsuat, Maguindanao del Norte nito lamang Enero 23, 2024.
Kinilala ni Police Captain Adbulbasit Kulod, Acting Chief of Police, Datu Blah Sinsuat MPS, ang naarestong suspek na si alyas “Salik”, 51, residente ng nasabing lugar.
Ayon sa ulat ay nakatanggap ng tawag ang mga awtoridad ukol sa nangyaring pambubugbog ng kanyang asawa at kaagad na beniripika ang nasabing ulat at nagsagawa ng warrantless arrest na humantong sa agarang pagkakaaresto sa suspek.
Samantala, dinala ang biktima sa Datu Blah Sinsuat Municipal Heath Clinic para bigyan ng agarang medikasyon.
Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa RA 9262 o “Anti-Violence Against Women and Their Children Act of 2004”.
Ang matagumpay na pagkakaaresto sa suspek ay resulta ng agarang aksyon ng pulisya at paiigtingin ang kanilang kampanya sa anumang uri ng kriminalidad para makamit ang isang maayos at maunlad na pamayanan.
Panulat ni Patrolwoman Ma. Señora J Agbuya