Tawi-Tawi – Nagsagawa ng Tree Planting at Coastal Clean-up Drive ang mga tauhan ng Bongao Municipal Police Station sa Mid-Valley, Nalil at Sunkist Beach, Bongao, Tawi-Tawi nito lamang ika-24 ng Enero 2024.
Aktibong pinangunahan ni Police Lieutenant Colonel Roy Zantua, Chief of Police ng Bongao MPS, ang nasabing aktibidad katuwang ang Ministry of Environment, Natural Resources and Energy.

Layunin ng aktibidad na mapanatiling malinis ang hanging dumadaloy sa kapaligiran, maiwasan ang pagbaha, at mapanatiling malinis ang baybaying dagat para makaiwas sa anumang sakit na dulot ng maruming kapaligiran.

Ang aktibidad ay alinsunod sa PNP Core Values na Makakalikasan na naglalayong mapangalagaan ang kapaligiran at hinihikayat din ang publiko na makilahok sa mga programa ng pamahalaan para sa pagpapanatili ng kagandahan at kaayusan ng kapaligiran.
Panulat ni Patrolwoman Ma. Señora J. Agbuya