Bukidnon – Arestado ang Top 7 Municipal Most Wanted Person sa kasong Murder sa operasyon na inilunsad ng mga awtoridad sa Maramag, Bukidnon bandang 9:20 ng umaga nito lamang Enero 24, 2024.
Kinilala ni Police Colonel Jovit Culaway, Officer-In-charge ng Bukidnon Police Provincial Office, ang naarestong suspek na si alyas “Kimpang’’, 27, may ka live-in partner, walang trabaho at residente ng Purok 8, Kiawal, Base Camp, Maramag, Bukidnon.
Ang operasyon ay isinagawa sa bisa ng Warrant of Arrest laban sa sa kasong Murder na walang inirekomendang piyansa.
Nagpahayag si PCol Culaway ng kanyang papuri sa mga rumespondeng tauhan ng Maramag PNP para sa mahusay na trabaho. Ipinahayag din niya na ang pagtutulungan at suporta ng komunidad ang susi upang maging ligtas na tirahan at patuloy ang kapayapaan sa probinsya ng Bukidnon.
Panulat ni Patrolwoman Jovelyn J Dodoso