Arayat, Pampanga (January 28, 2022) – Huli ang isang scammer matapos makapanloko at makakuha ng malaking halagang pera sa kanyang biktima sa Barangay Poblacion, Arayat, Pampanga noong ika-28 ng Enero ng kasalukuyang taon.
Ayon sa ulat, nagsagawa ng isang entrapment operation ang mga tauhan ng Cyber Financial Crime Unit sa pangunguna ni PLt Marlon Flores, Team Leader sa harap ng South Star Drug, Spino St., Poblacion, Arayat, Pampanga na nagresulta sa pagkakahuli ng isang suspek na kinilalang si Clinton Velasquez Caguiat a.k.a Ivy Sison, 25 taong gulang, walang trabaho at residente ng 26 Guemas Purok 4, Pampanga.
Isiniwalat ng biktima na kinilalang si Ruth Dalupang y Gaspar, 25 taong gulang, isang cashier at kasalukuyang nakatira sa 10-C Kaingin Rd. Brgy. Apolonio Samson, Quezon City na ang suspek ay nagpanggap sa Facebook na siya ay si “Ivy Sison” na kaibigan ng kanyang in ana kung saan ang nasabing suspek ay inaalok umano ito ng trabaho sa ibang bansa.
Dahil sa kagustuhan ng biktima na makapagtrabaho sa ibang bansa ay napaniwala ito ng suspek at dito na nagsimula ang paghingi nito ng pera sa biktima na umabot sa Php231,000.
Kalaunan ay napag-alaman ng biktima na ang suspek ay hindi pala si “Ivy Sison” at ginamit lamang nito ang Facebook upang makapanloko ng tao. Kaya naman agad inireport ng biktima ang suspek na nagresulta ng kanyang pagkakahuli.
Ang nahuling suspek ay sasailalim muna sa Swab Test bago dalhin sa kustodiya ng PNP ACG sa Kampo Crame para sa wastong dokumentasyon at disposisyon.
####
Panulat ni Police Corporal Maria Elena S Delos Santos
Great Job thanks PNP
Dapat ganyan ang mangyayari sa lahat na manloloko sa kapwa. Wala kayong pagtataguan para sa ating kapulisan. Ipagpatuloy ang gawain para tao.