Batangas – Masugid na nakiisa ang mga guro sa isinagawang dayalogo/talakayan ng Tanauan PNP sa Tanauan City High School, Brgy. Trapiche, Tanauan City, Batangas nito lamang Miyerkules, Enero 24, 2024.
Ang aktibidad ay pinangunahan nina Police Senior Master Sergeant Roselli Aldovino, sa direktang pangangasiwa ni Police Lieutenant Colonel Apolinario Lunar Jr, Officer-In-Charge ng Tanauan City Police Station at dinaluhan ni Police Corporal Pamplona mula sa 3rd Maneuver Platoon 1st Batangas Provincial Mobile Force Company.

Ang dayologo o talakayan ay patungkol sa Awareness re Safe Spaces Act o RA 11313 (Anti-Bastos Law).
Layunin nitong madagdagan ang kaalaman ng mga guro sa mga batas, karapatan at insurhensiya para maiwasang maging biktima, mapanatili ang kaligtasan at kapayapaan sa bawat isa.
Source: Tanauan City Police Station
Panulat ni Patrolwoman Jesy Kris S Obrero