Maguindanao del Sur – Boluntaryong isinuko ng isang concerned citizen ang kanyang loose firearm sa Shariff Saydona Mustapha Municipal Police Station nito lamang ika-22 ng Enero 2024.
Ayon kay Police Captain Ralph Waldy Bunag, Officer-In-Charge ng Shariff Saydona Mustapha MPS, boluntaryong pumunta sa nasabing istasyon ang isang concerned citizen at kusang ibinigay ang isang yunit ng Uzi cal. 9MM na walang serial number.
Nanatiling anonymous ang naturang concerned citizen para sa kanyang seguridad.
Ang matagumpay na pagsuko ng baril ay resulta ng pinaigting na kampaya ng PNP kontra loose firearm.
Samantala, hinihikayat ng Pambansang Pulisya ng Pilipinas na makipag-ugnayan lamang sa pinakamalapit na himpilan ng pulisya kung sinuman ang may baril na walang kaukulang dokumento at nais itong isuko.
Panulat ni Patrolwoman Ma. Señora J. Agbuya