Tinatayang Php24,000,000 halaga ng marijuana ang nadiskubre sa isinigawang marijuana eradication sa Brgy. Butbut Proper, Tinglayan, Kalinga nito lamang ika-22 ng Enero 2024.
Ayon kay Police Colonel Freddie Lazona, Provincial Director ng Kalinga Police Provincial Office, naging matagumpay ang operasyon sa masigasig na aksyon ng pinagsanib na pwersa ng mga operatiba ng Provincial Intelligence Unit/Drug Enforcement Unit kasama ang mga tauhan ng Tinglayan Municipal Police Station, 1st at 2nd Kalinga Police Mobile Force Company, Regional Intelligence Division Police Regional Office Cordillera, Regional Intelligence Unit 14, Regional Mobile Force Battalion 15, 141st Special Action Company ng PNP Special Action Force katuwang ang mga tauhan ng 53rd Military Intelligence Company, 5th Military Intelligence Brigade, 5th Infantry Division Philippine Army, Kalinga District Jail at Philippine Drug Enforcement Agency Cordillera Administrative Region.
Ang operasyon ay nagresulta sa pagkadiskubre ng plantasyon ng marijuana na may kabuuang lawak na 10,000 square meters at may tanim na humigit kumulang 120,000 halaman ng marijuana na nagkakahalaga ng tinatayang Php24,000,000 Standard Drug Price.
Bagama’t walang nahuling cultivator, binunot at sinunog ng mga operatiba ang mga nasabing marijuana sa mismong lugar.
“Magtulungan kontra ilegal na droga” ang muling panawagan ng mga awtoridad upang masugpo at matuldukan ito na walang ibang dala sa lipunan kundi karahasan at terorismo.
Panulat ni Patrolwoman Imasla