Kusang sumuko sa pulisya ang isang miyembro ng Communist Terrorist Group sa Brgy. Cagsalay, Arteche, Eastern Samar nitong Enero 22, 2024.
Kinilala ang sumuko na si alyas “Anahaw”, 37, magsasaka at kabilang sa Yunit Militia (YM) at miyembro ng Front-3, Sub-Regional Committee (SRC), ARCTIC, Eastern Visayas Regional Party Committee (EVRPC).
Ang pagbabalik-loob nito ay resulta ng matagumpay na negosasyon ng mga tauhan ng 801st Maneuver Company, Regional Mobile Force Battalion 8 sa pangunguna ni Police Captain Tyrone Mark A Cartalla, Officer-In-Charge, kasama ang 1st Eastern Samar Provincial Mobile Force Company.
Ang nasabing surrenderee ay lubos na tinuligsa ang kanyang katapatan sa makakaliwang grupo dahil sa maling ideolohiya at hindi makataong kalupitan laban sa komunidad at pwersa ng pamahalaan.
Ang sumuko ay nasa ilalim na ngayon ng pansamantalang proteksyon ng RMFB 8 habang nakabinbin ang resulta ng validation ng Joint AFP- PNP Intelligence Committee at kanyang aplikasyon upang mapabilang sa Enhance Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP) ng pamahalaan.
Ang kanyang pagsuko ay isang malinaw na pagpapakita sa bisa ng “Whole of the Nation Approach to End Insurgency” sa ilalim ng EO 70 na nagpapatibay sa NTF-ELCAC gayundin sa walang humpay na pagsisikap ng ating mga kapulisan.
Panulat ni Patrolwoman Christine Reyna T Tolledo