Camarines Sur – Nagsagawa ng outreach program ang mga tauhan ng Masbate Police Provincial Office sa pangunguna ni Police Colonel Liane M Van de Velde, Provincial Director, sa mga residente ng Brgy. Panguiranan, Balud, Masbate, nito lamang Enero 21, 2024.

Katuwang ng Masbate PPO ang Provincial Advisory Group Members at mga tauhan ng Masbate 1st Provincial Mobile Force Company sa ilalim ng pamumuno ni Police Lieutenant Colonel Freddie C Herry, Force Commander, Tau Gamma Sigma, sa pakikipagtulungan ng Masbate Fortis Lady Eagles Club at Tau Gamma Sigma (BRC).

Sa naturang programa ay nagkaroon ng parlor games, namigay ng mga tsinelas at namahagi ng mga pagkain sa humigit kumulang 30 na kabataan.
Layunin ng programa na ipadama ang pagmamalasakit sa ating mga kabataan at patatagin ang ugnayan ng kapulisan at komunidad. Isa rin itong paraan ng pasasalamat ng pulisya sa komunidad sa kanilang tulong at suporta.

Ang Pambansang Pulisya ay patuloy na maghahatid ng mga serbisyo at tulong sa ating mga kababayang nangangailangan para sa mas matatag, malakas at magandang ugnayan ng pulisya at komunidad.
Source: Masbate 1st PMFC