Cavite – Nakiisa ang Cavite PNP sa isinagawang Color Run sa Vermosa Sports Hub, City of Imus, Cavite nito lamang Sabado, Enero 20, 2024.

Ang aktibidad ay inorganisa ng Department of Interior and Local Government (DILG) ng Cavite kaugnay sa “Buhay Ingatan, Droga’y Ayawan” (BIDA) Program ng pamahalaan.

Tinatayang 3000 mananakbo mula sa Cavite Police Provincial Office, Bureau of Fire Protection (BFP), Bureau of Jail Management and Penology (BJMP), mga Running Groups at iba’t ibang sangay ng gobyerno ng Cavite tulad ng NGOs at LGUs ang nakilahok sa nasabing aktibidad.

Layunin nitong suportahan ang nasabing programa ng ating pamahalaan na puksain ang paglaganap ng ilegal na droga sa bansa para makamit ang drug-free community at panatilihing malusog hindi lamang ang pisikal na pangangatawan kundi pati na rin ang mental na kalusugan upang makaiwas sa sakit at krimeng dulot ng ipinagbabawal na droga.
Panunulat ni Patrolwoman Angelica Rica S Teng