Surigao del Norte (January 25, 2022) – Naaresto ang isang wanted na miyembro ng Communist Terrorist Group (CTG) ng Guerilla Front (GF) 16, North Eastern Mindanao Regional Committee (NEMRC) sa isinagawang manhunt operation ng pinagsamang tauhan ng Regional Intelligence Division (RID) 13 at Agusan del Norte Provincial Intelligence Unit (PIU) sa KM 5, Sitio Osok, Brgy. Panatao, Claver, Surigao del Norte dakong 9:40 ng umaga ng Enero 25, 2022 sa bisa ng Warrant of Arrest na may petsang Nobyembre 4, 2019.
Ayon sa ulat ni Police Regional Office (PRO) 13 Director, Brigadier General Romeo Caramat Jr., nakilala ang naarestong miyembro ng CTG na si Orlando Gariol Porogoy alyas “Lando”, 62 taong gulang, at residente ng Barangay Cuyago, Jabonga, Agusan del Norte.
Si Lando ay kilala bilang aktibong miyembro ng Squad Tres, SDG16, Guerilla Front 16, NEMRC at RID na nakalista sa Working Periodic Status Report (WPSR) noong 2nd Quarter ng 2019.
Isa umano si Lando sa mga suspek sa insidente ng pananaksak noong Mayo 20, 2019 sa Purok 9, Barangay Jabonga, Agusan del Norte na nakabiktima ng isang Rodito L Boklas.
Siya ay nahaharap sa kasong murder sa ilalim ng Criminal Case No. 19233.
Malaki ang pasasalamat ni PBGen Caramat Jr. sa aktibong kooperasyon ng mga tao sa hangarin ng PNP sa pamumuno ni Chief PNP Police General Dionardo Carlos para mahuli ang mga wanted dahil napakahalagang maiharap sila sa korte at managot sa mga kasong isinampa laban sa kanila.
####
Panulat ni: Patrolman Jhunel D Cadapan-RPCADU13
Great job PNP.
Salamat s mga Alagad ng Batas