Davao City – Aktibong nakilahok sa isinagawang Joint Clean-up Drive ang mga tauhan ng Regional Police Community Affairs and Development Unit (RPCADU) 11 na ginanap sa Palma Gil Purok 15 – A, Bugac, Ma-a , Davao City nito lamang Enero 21, 2024.
Ito ay pinangunahan ni Police Colonel Virgilio Buena, Chief, Regional Police Community Affairs and Development Unit XI na may temang “Basura Ka Lang, Nagkakaisang Mamamayan Kami”.

Naging matagumpay ang aktibidad katuwang ang Sangguniang Masang Pilipino International Inc.( SMPII) PNP Force Multipliers, City Environmental and Natural Resources Office (CENRO), at ng mga opisyales ng Barangay Maa sa pamumuno ni Hon. Pacito Cañete Jr.
Ito ay bahagi ng Core Values ng PNP na “Makakalikasan” na may layuning pangalagaan ang kalikasan sa pamamagitan ng pagsasagawa ng clean-up drive upang mapanatiling malinis at patuloy na mapangalagaan ang kalinisan sa kapaligiran.
Samantala, ang Police Regional Office XI sa pangunguna ni Regional Director Police Brigadier General Alden Delvo ay patuloy na nakikiisa sa mga adhikain tungo sa kaligtasan at kapayapaan. Hinihimok din ang publiko na patuloy na suportahan ang mga programa ng pamahalaan tungo sa pangangalaga ng kapaligiran at likas na yaman.
Panulat ni Patrolwoman Elhynn Joy Pagsugiron