Nasabat ang tinatayang Php1,904,000 na halaga ng shabu sa dalawang nahuling drug suspek sa buy-bust operation ng Iloilo City Drug Enforcement Unit sa Brgy. Arguelles, Jaro, Iloilo City bandang alas-3:54 ng hapon, Enero 19, 2023.
Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Antonio Benitez Jr., Hepe ng City Drug Enforcement Unit ng ICPO ang mga nahuling High Value Individual na sina alyas “Long Hair”, 34, may asawa, residente ng Brgy. Argulles at si alyas “Mike”, 37, isang Call Center Agent, at residente ng Brgy. Barangay Balabago, Jaro, Iloilo City.
Ayon kay PLtCol Benitez Jr., nakuha sa dalawang drug suspect ang 13 plastic sachet ng pinaghihinalaang shabu na tumitimbang ng 280 gramos, ginamit na buy-bust money, kabilang na ang ilang mga non-drug items.
Narekober din sa nasabing operasyon ang isang .45 caliber pistol na may dalawang magazine at mga bala na pagmamay-ari ni alyas “Long Hair”.
Ang mga suspek ay nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at RA 10591 o ang Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.
Patunay lamang ang matagumpay na operasyon na hindi tumitigil ang ating kapulisan upang puksain ang ilegal na droga, at mas papaigtingin pa ito para sa kaayusan at kapakanan ng mamamayan.