Nakiisa ang mga tauhan ng Aurora 2nd Provincial Mobile Force Company sa isinagawang Clean-up Drive sa Brgy. Esteres, Casiguran, Aurora nito lamang ika-18 ng Enero 2023.

Aktibong nakiisa ang Aurora 2nd Provincial Mobile Force Company sa ilalim ng pangangasiwa ni Police Lieutenant Colonel Cielo Caligtan, Force Commander, katuwang ang mga Force Multipliers, Women Sector Company, KKDAT, BPATs, at iba pang Advocacy Support Group.
Ang nasabing aktibidad ay isang patunay sa dedikasyon ng Aurora PNP sa pagsuporta sa mga programa ng kalinisan at pangangalaga sa kalikasan upang mapanatili ang kagandahan at kaayusan.

Ang aktibidad ay naaayon sa PNP Core Values na “Makakalikasan” na naglalayong pangalagaan ang ating kapaligiran.
Source: Aurora 2nd PMFC