Nakiisa ang mga tauhan ng 1st Palawan PMFC sa isinagawang “Dugo Mo, Buhay Ko” voluntary mass donation activity sa Barangay Pulot Center Covered Court, Brgy. Pulot Center, Sofronio Espanola, Palawan nito lamang Enero 18, 2024.
Ang nasabing aktibidad ay kasabay sa pagdiriwang ng 50th Parochial Town Fiesta, ang Local Government Unit ng Sofronio Espanola, Palawan na pinangunahan ni Hon. Abner S. Tesorio, Municipal Mayor.

Kasama sa nakiisa sa aktibidad ang mga guro, mag-aaral, at iba pang ahensya mula sa iba’t ibang himpilan ng pamahalaan.
Layunin nito na makapagbigay kontribusyon ang bawat indibidwal sa ligtas at sapat na suplay ng dugo para sa pangangailangan ng komunidad.