Tarlac – Nagsagawa ng Bloodletting Program ang mga tauhan ng San Clemente Municipal Police Station katuwang ang Chaplain Service at Macondy Riders Group sa Regional Health Service sa Jose Lingad Memorial Hospital sa Camp Gen Francisco Macabulos, Barangay San Vicente l, Tarlac City nito lamang Miyerkules, ika-17 ng Enero 2024.
Ang Bloodletting Program ay pinangunahan ni Police Major Angel Cera, Chief of Police ng San Clemente MPS.

Matagumpay ang isinagawang aktibidad na naglalayon upang makapagpaabot ng tulong sa mga nangangailangan ng dugo lalo na ang mga may malubhang karamdaman.

May mga benepisyong pangkalusugan din ito sa mga blood donors/heroes tulad ng pagpapabuti ng cardiovascular health, pagkakaroon ng bagong blood cells, at pagbawas ng calories.
Patuloy ang PNP sa pagpapaabot ng serbisyo upang matugunan at maihatid ang tulong para sa ating mga kababayan.
Panulat ni Patrolwoman Garcia