Esperanza, Sultan Kudarat (January 24, 2022) – Nakipagpalitan ng putok ang mga operating team sa dalawang (2) armadong suspek sa isinagawang mobile checkpoint operation bilang bahagi ng pinaigting na pagpapatupad ng OPLAN: Integrated Revitalized Operation of Neighborhood Watch Against Criminality Lawlessness and Disaster o OPLAN: IRON CLAD XII, sa Esperanza, Sultan Kudarat, noong Enero 24, 2022.
Ang mga suspek ay sina alyas āBronxā at Guiamaludin T. Kasaan alyas āWahid Nasserā, na parehong sakay ng Suzuki Multicab ay tumangging huminto matapos mag-flag down ang mga awtoridad na kalaunan ay nagsimula nang makipagbarilan sa alert team kung saan nagtamo ng sugat ang mga suspek.
Matapos ang nasabing engkwentro ay agad silang dinala sa Our Lady of Hope Clinic and Hospital ngunit idineklarang dead on arrival ng attending physician.
Narekober sa mga suspek ang caliber .22 revolver na may apat (4) na bala, dalawang (2) basyo ng bala, isang (1) homemade break-open pistol na may fired cartridge case sa loob ng chamber nito, apat (4) na basyo ng 9mm caliber pistol, 40 piraso ng small sized plastic sachet ng pinaniniwalaang shabu, at isang (1) Improvised Thrown Munition (IED) na narekober naman sa loob ng dashboard compartment ng sasakyan.
Ipinag-utos ni PRO 12 Regional Director, PBGen Alexander Tagum ang mas malalim na imbestigasyon para ma-validate ang impormasyon hinggil sa pagkakasangkot ng dalawang (2) suspek bilang IED courier at miyembro ng BIFF Bungos Faction na responsable sa illegal drug trade, motor napping at ibaāt ibang kriminal na aktibidad sa lugar.
āAng tagumpay na ito ay isang malinaw na pagpapakita ng walang pag-aalinlangan sa pagsisikap ng PNP na puksain ang lahat ng uri ng kriminal at teroristang aktibidad upang matiyak ang kaayusan at kaligtasan ng publiko at mapanatili rin ang pangmatagalang kapayapaan sa rehiyon,ā pahayag ni PBGen Tagum.
###
Panulat ni Patrolwoman Sherie-ann G. Masi
Good Job sa mga kapulisan