Davao de Oro – Nagsagawa ng preemptive evacuation at rescue operations ang mga tauhan ng Nabunturan Municipal Police Station sa mga residenteng apektado ng baha sa Nabunturan, Davao de Oro nito lamang Enero 16, 2024.

Ang nasabing operasyon ay pinangunahan ni Police Major Noran Yparraguirre, Acting Chief of Police ng nasabing istasyon katuwang ang Revitalized Police sa Barangay (R-PSB), Nabunturan Bureau of Fire Protection, Nabunturan Emergency Response Team (NERT) at Barangay Officials.
Nakaranas ng pagbaha ang ilang bahagi ng Nabunturan, Davao de Oro matapos tumaas ang lebel ng tubig sa ilog na malapit sa lugar dahil sa walang tigil at malakas na pagbuhos ng ulan.

Wala namang naitalang nasaktan at nasa maayos na kalagayan ang mga pamilyang inilikas.
Samantala, ang Nabunturan PNP ay laging handa na maghatid ng serbisyo publiko sa oras ng kalamidad at maaasahan ng mamamayan sa oras ng pangangailangan.
Panulat ni Patrolwoman Elhynn Joy Pagsugiron