Lanao del Norte – Mahigit 150 na benipisyaryo ang masayang nakilahok sa isinagawang PNP Community Outreach Program ng Police Regional Office 10 sa Brgy. Libertad, Kauswagan, Lanao del Norte nito lamang ika-16 ng Enero 2024.

Ang naturang aktibidad ay sa ilalim ng pangunguna ni Police Brigadier General Ricardo Layug Jr., Regional Director ng Police Regional Office 10, na kinatawan ni Police Lieutenant Patrick Dalangin, Acting Deputy Chief, Regional Community Affairs and Development Division 10, kasama sina Police Colonel Sandy Vales, Provincial Director ng Lanao del Norte Police Provincial Office; Police Captain Jessan Gomez, Officer-In-Charge ng Kausawagan Municipal Police Station; Hon. Rommel Arnado, Municipal Mayor ng Kausawagan; Hon. Maximo Arnado, Municipal Vice Mayor; GN Power Ltd. Co.; Eagles Club; Barangay Officials; Stakeholders at Religious Sectors.
Sa nasabing aktibidad ay nagkaroon ng libreng gupit, feeding programs, libreng food packs, libreng tsinelas, school supplies, health kits at 5 kilong bigas ang natanggap ng nasa mahigit 150 na mga benepisyaryo.

Ang aktibidad ay alinsunod sa programa ng Ama ng Pambansang Pulisya na isa sa “5-Focused Agenda” na Community Engagement at program thrust na “Serbisyong Cardo, Serbisyong may Puso” ng Regional Director ng Police Regional Office 10 na may layuning bigyan ng saya at tulong ang mga kababayan natin sa mga remote areas.