Nagsagawa ng Community Outreach Program ang mga tauhan ng Basilan 1st Provincial Mobile Force Company sa Brgy. Balobo, Lamitan, Basilan nito lamang ika-16 ng Enero 2024.

Naging matagumpay ang naturang aktibidad dahil sa pagsisikap ng mga tauhan ng Basilan 1st PMFC sa pangunguna ni Police Staff Sergeant Aduri Mustali, at sa pamamahala ni Police Lieutenant Colonel Allan Benasing, Officer-in-Charge.
Nagsagawa ng Programang Pakikipagkapwa sa komunidad sa pamamagitan ng pamamahagi ng pagkain sa 10 pamilyang kapus-palad sa nasabing lugar.

Ang aktibidad na ito ay isa sa limang 5-Focused Agenda ni Police General Benjamin Acorda, Jr, Chief PNP, na tinatawag na Community Engagement upang palakasin ang ugnayan sa pagitan ng komunidad at PNP.
Panulat ni Patrolwoman Ma. Señora Agbuya