Monday, May 5, 2025

Php108K halaga ng shabu at baril nasabat sa buy-bust ng South Cotabato PNP; 2 nasakote

Himas rehas ang dalawang drug suspek matapos mahulihan ng hindi lisensyadong baril at tinatayang Php108,000 halaga ng hinihinalang shabu sa ikinasang buy-bust operation ng mga awtoridad sa Purok 14, Brgy. Poblacion, Tupi, South Cotabato, nito lamang Miyerkules, Enero 17, 2024.

Kinilala ni Police Colonel Samuel Cadungon, Officer-In-Charge ng South Cotabato Police Provincial Office, ang dalawang suspek na sina alyas “Noy”, 41, negosyante, residente ng Brgy. Sta. Cruz, Koronadal City, South Cotabato; at si alyas “Darwin”, 56, fish vendor, at residente naman ng Brgy. Bunao, Tupi, South Cotabato.

Ayon kay PCol Cadungon, nanguna sa ikinasang operasyon ang mga tauhan ng Tupi Municipal Police Station kasama ang mga operatiba ng South Cotabato Police Drug Enforcement Unit, South Cotabato Provincial Intelligence Unit, Regional Special Operations Group 12 at 1205th Maneuver Company ng Regional Mobile Force Battalion-12.

Nang arestuhin ang dalawang suspek matapos ang sinet-up na transakyon ng mga awtoridad, nakumpiska sa kanilang pag-iingat ang isang kalibre 38 na baril, anim na bala, apat na sachets ng hinihinalang shabu na may tinatayang timbang na humigit-kumulang 16 na gramo, buy-bust money at iba pang non-drug item.

Mahaharap ang dalawang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act at Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Kaugnay rito, pinapurihan naman ni Police Brigadier General Jimili Macaraeg, Regional Director ng PRO 12, ang mga operating units ng South Cotabato PNP sa kanilang patuloy na pagsisikap na puksain ang problema sa ilegal na droga sa rehiyon.

Panulat ni Patrolman Khnerwin Jay A Medelin

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,550SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles