Binalbagan, Negros Occidental (January 22, 2022) – Nahuli ng PNP Drug Enforcement Group ang isang lalaki sa isinagawang anti-illegal drug operation (Buy-bust) nito lamang Enero 22, 2022 bandang alas nuwebe y media (9:30) ng umaga sa Brgy. Payao, Binalbagan, Negros Occidental.
Ang nahuling suspek ay kinilalang si Aris Vargas Teruel, 47 taong gulang at residente ng Kobay, Sitio Sawangan, Brgy. Payao, Binalbagan, Negros Occidental at nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Nakumpiska sa suspek ang mahigit 39 grams ng Shabu na may Standard Drug Price na Php265,200. Dinala ang suspek sa SOU 6, PNP DEG office para sa dokumentasyon at para sa wastong disposisyon.
Samantala ang nakumpiskang drug evidence ay dinala naman sa Negros Occidental Provincial Crime Laboratory Office para sa forensic/laboratory examination.
Ang matagumpay sa pagkahuli sa nasabing suspek ay sa pinagsanib pwersa ng Special Operations Unit-6, PNP DEG kasama ang Binalbagan Special Drug Enforcement Unit at Binalbagan MPS.
X X X X X
Panulat ni Patrolman Kher D Bargamento
Galing tlga ng mga pulisya
Great job PNL