Iloilo City – Isinagawa ang isang turn-over ceremony ng mga bagong kagamitan ang Police Regional Office 6 sa Camp Gen Martin Teofilo Delgado, Fort San Pedro, Iloilo City, nitong ika-15 ng Enero 2024.

Pinangunahan ni Police Brigadier General Sidney N Villaflor, Regional Director ng PRO6, ang nasabing seremonya kung saan umabot sa Php2,640,000 ang halaga ng mga bagong kagamitan o mga non-lethal equipment na kinabibilangan ng 2,000 PNP whistle at 2,417 na PNP raincoats.

Ang mga kagamitan ay ipinamahagi sa mga Police Stations sa Western Visayas na kanilang magagamit upang palakasin at pagtibayin pa ang kahandaan sa pagbabantay ng mga kapulisan sa komunidad.

Sa naging mensahe naman ni PBGen Villaflor, hinikayat niya ang kanyang mga kasamahan na pangalagaan at gamitin ng maayos ang mga kagamitan.
Source: Regional Public Information PRO6