Laguna – Arestado sa manhunt operation ng Kalayaan PNP ang Top 1 Municipal Most Wanted Person sa kasong Murder nito lamang Enero 14, 2024.
Kinilala ni Police Colonel Harold Depositar, Acting Provincial Director ng Laguna Police Provincial Office, ang akusado na si alyas “Jayson”, 33, construction worker, residente ng Kalayaan, Laguna.
Naaresto ang suspek ganap na 10:50 ng gabi sa Brgy. Timugan, Los Baños, Laguna ng mga operatiba ng Kalayaan Municipal Police Station sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong Murder na walang piyansang inirekomenda.
“Walang pinipili ang batas. Kahit pa ang mga nakalipas na kaso ay aming tutukan upang mahuli at mabigyan ng hustiya ang mga biktima nito,” pahayag ni PCol Depositar.
Source: Laguna Police Provincial Office
Panulat ni Patrolwoman Maria Sarah P Bernales