Batangas – Arestado sa isinagawang operasyon ng mga tauhan ng Santo Tomas City PNP ang tinaguriang Regional Most Wanted Person sa kasong paglabag sa RA 9165 nito lamang Enero 12, 2024.
Kinilala ni Police Colonel Samson Belmonte, Provincial Director ng Batangas Police Provincial Office, ang suspek na si alyas “Glenn”, 43, may-asawa, residente ng Brgy. Calumpang, Binangonan, Rizal.
Naaresto ang suspek ganap na 2:20 ng hapon sa Brgy. Poblacion 2, Sto. Tomas City, Batangas ng mga operatiba ng Santo Tomas City Police Station sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong paglabag sa Sec 11 ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 na may inirekomendang piyansa na Php200,000 samantalang para sa Sec 5 nito ay walang inirekomendang piyansa.
“Ipagbigay alam po natin sa mga awtoridad ang anumang impormasyong makakatulong sa pagsugpo sa ilegal na droga na siyang sumisira sa buhay ng marami nating kababayan”, pahayag ni PCol Belmonte.
Source: Batangas PNP Public Information Office
Panulat ni Pat Maria Sarah P Bernales