Bulacan – Arestado ang isang suspek matapos ipatupad ng San Ildefonso PNP ang search warrant laban sa suspek matapos makumpiskahan ng mga unlicensed na bala at granada sa Brgy. Upig, San Ildefonso, Bulacan nito lamang Biyernes, ika-12 ng Enero 2024.
Kinilala ni Police Colonel Relly Arnedo, Provincial Director ng Bulacan Police Provincial Office, ang suspek na isang magsasaka, 62 anyos, residente ng naturang barangay.
Inaresto ang suspek sa bisa ng search warrant na kung saan nagresulta sa pagkakakumpiska ng mga iba’t ibang klaseng bala, basyo ng bala, isang granada, mga magazines ng baril, mga pistol holster, at isang bandolier.
Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa RA 10591 o ang Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.
Paalala ng Bulacan PNP sa ating mga kababayan na may karampatang parusa ang sinumang lalabag sa mga nagtatago ng mga hindi lisensyadong armas at mga pampasabog sa kanilang mga tahanan.
Source: Bulacan Police Provincial Office
Panulat ni Patrolwoman Lixen reyz A Saweran