Nagsagawa ng Community Outreach Program ang kapulisan ng Cagayan Police Provincial Office sa ilalim ng pamumuno ni Police Colonel Julio Gorospe, Jr, Provincial Director sa Brgy, Dadda, Amulung, Cagayan nito lamang ika-13 ng Enero 2024.
Kasanib-puwersa ng kapulisan ang 95th Infantry Battalion ng Philippine Army upang maghatid ng tulong sa mga kababayan sa nasabing bayan.

Sa inisyatibo ng Amulung Police Station at ng 1st Cagayan Mobile Force Company ng Cagayan PPO ay nakapamahagi ang grupo ng mga serbisyo tulad ng feeding activity, nakapag-abot ng tig-isang sakong bigas at grocery items sa mahigit na 23 pamilya, pagbibigay ng mga pre-loved clothes, at pamamahagi ng mga school supplies at mga laruan para sa mga bata.
Ang 1st PMFC ay nakapagbigay ng bagong gamit para sa pag-aaral ng mga batang kalahok dahil sa proyekto nilang CASI (Comprehensive Assistance for young Student and Indigenous People) na naglalayong tumulong sa pag-aaral na kabilang sa Indigenous People.

Bukod dito, nagsagawa din ng tree planting sa lugar bago ang pagsisimula ng programa na kung saan ay nakapagtanim sila ng nasa 50 na mahogany seedlings.
Ang aktibidad ay may layuning hikayatin ang mga mamamayan na nasa Geographically Isolated and Disadvantaged Areas (GIDAS) na tapusin ang anumang ugnayan ng mga ito sa makakaliwang grupo at huwag masangkot sa gawain sapagkat sila ang pumipigil sa pag-asenso ng bayan at dahilan ng paghihirap sa komunidad.

Samantala, sa naging mensahe ni Police Lieutenant Colonel Osmundo Mamanao, Chief, Provincial Community Affairs and Development Office, CPPO at ni Cpt Rodel Bunao ng 95th IB, Philippine Army, kanilang hinikayat ang mga kababayang katutubo sa nasabing lugar na suportahan ang mga programa ng kapulisan at ng kasundaluhan para sabay-sabay na wakasan ang problema ng insurhensiya sa lugar.
Source: Cagayan PPO