24 katao ang nahuli ng mga lokal na awtoridad ng Butuan City matapos isagawa ang lumalawak na kampanya nito laban sa ilegal na pagsusugal sa dalawang magkahiwalay na operasyon noong Enero 21 at Enero 23 ng taong kasalukuyan.
Ang operatiba ng BCPS2 Intelligence unit ay nagsagawa ng Anti-Illegal Gambling Operation noong Enero 21, 2022 na nagbunga sa pagkakaaresto sa 14 na indibidwal na nahuling tumataya sa online Cockfighting o āOnline Sabongā sa Purok 3A-1, Barangay Holy Redeemer, Lungsod ng Butuan.
Kinilala ng mga operatiba ang mga suspek na sina Jimery C. Cutamora, 21 taong gulang; Charlito T. Desamparado, 50 taong gulang; Jocel G. Insail, 41 taong gulang; Galo C. Libres, 51 taong gulang, pawang mga residente ng Barangay Holy Redeemer, Butuan City; Alex F. Bartolaba, 36 taong gulang; Rodel C. Macaldo, 40 taong gulang; Richard P. Pasos, 33 taong gulang; Ariel A. Lad, 28 taong gulang, pawang mga residente ng Barangay Limaha, Butuan City, Alfie P Cerna, 32 taong gulang; Novabelo J. Lindo Dan, 40 taong gulang, pawang taga Barangay Obrero, Butuan City, Marlon E. Mendoza; 29 taong gulang, taga Purok 5, Brgy. Bading, Butuan City; Artemio L. Timcang, 29 taong gulang, Purok 1, Brgy. Masao; Jomarie Pasilong, 24 taong gulang, taga Purok 3, Brgy. Taguibo, Butuan City at Mario M. Aganap, 62 taong gulang, mula Purok 1, Brgy. Fort Poyohon, Butuan City.
Ang mga bagay na nasamsam at nakumpiska mula sa kanilang pag-aari ay isang (1) unit na Computer Set (Pesonet) at bet money na nagkakahalaga ng Php2,671.15.
Samantala, noong Enero 23, nagsagawa rin ng Anti-illegal Gambling Operation ang mga operatiba ng BCPS1 sa Purok-8 Virgo, Barangay JP Rizal, Butuan City. Walong (8) indibidwal ang nahuli sa aktong pakikisangkot sa ilegal na sabong (tukis-tukis). Nagresulta ito sa pagkakaaresto nina Azriel M. Porta, 31 taong gulang; Ernesto D. Tampil Jr., 49 taong gulang; Glenn P. Ga, 35 taong gulang; Vicente P. Cabiling, 59 taong gulang; Jessie P. Tiempo, 33 taong gulang; Charles P. Baliad, 39 taong gulang; Elley Jun C. Balmoria, 37 taong gulang; Ryan L. Cervantes, 31 taong gulang, pawang residente ng Barangay JP Rizal, Butuan City.
Narekober ang mga gamit sa mga suspek ang tatlong (3) pirasong manok na panabong na walang tari (buhay), isang (1) piraso na may nakalagay na tari, isang (1) patay na manok na panabong, at cash money na nagkakahalaga ng Php1,661.
Inihahanda na ang mga kasong isasampa laban sa mga suspek.
āAng palagiang pag-aresto sa mga suspek na sangkot sa ilegal na sugal ay nagpapatunay na seryoso ang Butuan Police sa mandato nitong puksain ang ilegal na sugal dito sa Butuan. Kaya pinupuri ko ang Station Commanders ng BCPS 1 at 2, pati na rin ang mga operatiba para sa mahusay na trabaho”, ani Police Colonel Excelso Lazaga. Jr.
###
Panulat ni Patrolman Jhunel Cadapan
Congratulations Team PNP
Husay at galing Tatak PNP godbless