Baguio City – Arestado ng mga miyembro ng Baguio City Police Station 2 ang Top 1 Regional Most Wanted Person sa kasong Panggagahasa sa No.11 Bugallon, Aurora Hill, Baguio City nito lamang ika-11 ng Enero 2024.
Kinilala ni Police Major Wiltz Konrad Sally, Station Commander ng Baguio City Police Station 2, ang suspek na si alyas “Herman”, 65, nakatira sa nabanggit na lugar.
Naaresto ang suspek sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong Rape o paglabag sa Republic Act 8353 (Anti-Rape Law) in relation to Republic Act 7610 o Special Protection of children Against Child Abuse, Exploitation, and Discrimination Act” na walang inirekomendang piyansa.
Patuloy naman ang Baguio City PNP sa paghikayat sa mamamayan na makipagtulungan sa mga awtoridad upang mahuli pa ang iba pang may pananagutan sa batas.
Source: Baguio City Police Station 2