Nasamsam ng Isabela PNP ang iba’t ibang pekeng agricultural products na tinatayang nagkakahalaga ng nasa humigit kumulang Php250,000 sa nahuling suspek sa Purok 1 Brgy. Sandiat West, San Manuel, Isabela nito lamang Martes, Enero 9, 2024.
Kinilala ang suspek na si alyas “Dindo”, 36, at residente ng San Manuel, Isabela habang ang isa pang suspek na kilala sa alyas na “Boss Pañing”, isang manager at residente ng Ramon, Isabela ay kasalukuyang pinaghahanap pa ng awtoridad.
Naging matagumpay ang operasyon sa pakikipag-ugnayan ng mga kapulisan sa Department of Agriculture Region 2.
Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa RA 7394 o “The Consumers Act of the Philippines”.
Tiniyak naman ni Police Brigadier General Birung, Regional Director ng Police Regional Office 2, na ang Valley Cops ay patuloy na poprotektahan ang mga karapatan ng konsyumer at matiyak na ligtas ang mga produkto.
Source: Police Regional Office 2
Panulat ni Pat Donnabele R Galang