Laguna – Tinatayang 1,561 miyembro ng Police Regional Office 4A ang itinalaga sa Pista ng Itim na Nazareno nitong Enero 8 hanggang 9, 2024.
Ang aktibidad ay isinagawa sa pamumuno ni Police Brigadier General Paul Kenneth Lucas, Regional Director ng PRO CALABARZON katuwang ang mga matataas na opisyales at tauhan ng Police Regional Office 4A.

Tinalakay ang masusing pagpatrolya at pagmasid sa buong selebrasyon ng pista.

Bukod dito, nagbigay din ng mga gamit tulad ng handheld radios/smartphones para makontak ang bawat isa lalo na sa oras ng may sakuna na nangangailangan ng agarang aksyon ng pulisya.
Layunin nitong matiyak ang kaligtasan, kaayusan at seguridad ng mga deboto at lahat ng dumalo sa pista.
Source: Police Regional Office 4A
Panulat ni Police Staff Sergeant Donabel Dulin