Nagsagawa ng clean-up drive ang mga tauhan ng Cotabato City Police Station 2 sa Brgy. Rosary Heights 6, Cotabato City nito lamang ika-6 ng Enero 2023.
Pinangunahan ni Police Major Amil Andungan Jr., Station Commander, Cotabato City Police Station 2, ang nasabing aktibidad katuwang ang mga miyembro ng Bureau of Jail Management and Penology, Barangay Officials, at Barangay Peacekeeping Action Team.

Ang aktibidad ay bilang selebrasyon sa Community Development Day kung saan ito ay ginugunita sa pamamagitan ng pagsasagawa ng sabay-sabay na Clean-up Drive sa buong bansa.
Samantala, patuloy namang hinihimok ng hanay ng Pambansang Pulisya ang publiko na patuloy na makiisa sa mga programa ng pamahalaan na naglalayong pangalagaan at panatilihin ang kalinisan ng ating kapaligaran at pinagkukunan ng hanapbuhay.
Panulat ni Patrolman Vincent Valencia