Monday, April 28, 2025

Bagong Provincial Director ng Isabela PPO, pormal na itinalaga sa isinagawang Turn Over Ceremony sa Isabela

Pormal nang itinalaga ang bagong mamumuno bilang Provincial Director ng Isabela Police Provincial Office (IPPO) na si PCol Lee Allen Bauding sa isinigawang Turn-over Ceremony sa Function Hall, Camp Lt. Rosauro Toda Jr, Brgy. Baligatan, City of Ilagan, Isabela nito lamang Enero 4, 2024.

Natapos ni PCol Julio R Go, Outgoing Provincial Director ng Isabela PPO, miyembro ng PNPA “Tanglaw-lahi” Class of 1999, ang kanyang dalawang taong termino, na pinamunuan ang Isabela PPO mula noong Enero 8, 2022.

Sa kanyang talumpati ng pamamaalam, ipinahayag niya ang kanyang malaking pasasalamat sa mga tauhan ng Isabela PPO para sa kanilang walang patid na suporta. Binigyang-diin din niya ang mga nagawa sa kanyang panunungkulan, kabilang ang pagiging drug-free at insurgency-free ang lalawigan ng Isabela.

Samantala, ang incoming Provincial Director na si PCol Bauding na tubong Cervantes, Ilocos Sur, at kasalukuyang naninirahan sa Baguio City ay sinabing ibabahagi ang kanyang mga karanasan para sa bagong tungkulin. Siya ay dating Hepe ng Visayas Field Unit, na kalaunan ay nalipat sa Luzon Field Unit ng Intelligence Research and Analysis Division (IRAD), Anti-Kidnapping Group ng Philippine National Police (AKG-PNP) at ipinagmamalaking miyembro ng “PNPA Buklod Diwa 2001.”

Sa kanyang inaugural speech, ipinahayag ni PCol Bauding ang kanyang pasasalamat sa kanyang hahalihan na si PCol Go, para sa kanyang natatanging pamumuno at nangako siyang ipagpapatuloy ang mga programa ng Isabela PPO na nakatuon sa crime prevention at public safety.

Pinangasiwaan ni PBGen Marcial Mariano P Magistrado IV, Deputy Regional Director for Administration, Police Regional Office 2 ang turn-over ng command ceremony at pinuri ang outgoing Provincial Director sa kanyang natatanging pamumuno sa lalawigan ng Isabela. Hinamon din niya ang incoming Provincial Director na palawigin ang tiwala ng publiko sa PNP at ipagpatuloy ang mga programa nito para mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa lalawigan ng Isabela.

Source: RPCADU2

Panulat ni Police Staff Sergeant Jermae D Javier

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,540SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles