Cavite – Nasamsam ang tinatayang Php448,500 halaga ng shabu sa ikinasang joint buy-bust operation ng DasmariƱas PNP nito lamang Enero 6, 2024.
Kinilala ni Police Colonel Eleuterio Ricardo Jr, Provincial Director ng Cavite Police Provincial Office, ang suspek na si alyas āAndoyā, residente ng Brgy. Fatima 2, DasmariƱas City, Cavite.
Naaresto ang suspek sa Brgy. Burol 3, DasmariƱas City, Cavite ng mga operatiba ng DasmariƱas Component City Police Station at nasamsam ang pitong piraso ng heat-sealed transparent plastic sachets na naglalaman ng hinihinalang shabu na tumitimbang ng higit kumulang 65 gramo at nagkakahalaga ng Php448,500, isang coin purse at isang pirasong Php500 bill bilang boodle money.
Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Sections 5 at 11 ng Republic Act 9165 o āComprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
āMagtulong-tulong tayo at magpatuloy sa ating mas pinaigting na kampanya laban sa ilegal na droga at kriminalidad sa ating lalawigan,” pahayag ni PCol Ricardo Jr.
Source: Cavite Police Provincial Office
Panulat ni Patrolwoman Maria Sarah P Bernales