Benguet – Malugod na sinalubong ng Police Regional Office Cordillera si Police Lieutenant General Rhodel Sermonia, The Deputy Chief PNP for Administration sa kanyang pagbisita bilang bahagi ng kanyang Command Visit at Sentimental Journey sa Camp Major Bado Dangwa, La Trinidad, Benguet nito lamang ika-5 ng Enero 2024.
Sa kanyang pagdating ay mainit siyang sinalubong ni Police Brigadier General David Peredo Jr, Regional Director, PRO Cordillera sa pamamagitan ng isang tradisyonal na welcome dance at arrival honors.

Dumalo rin sa aktibidad ang kanyang pamilya, mga kaibigan, kaklase sa akademya, miyembro ng Advocacy Support Groups, Force Multipliers, PRO Cordillera Command Group, Regional Staff, Chiefs ng Regional Support Units, at iba pang tauhan ng PNP.
Sa kanyang mensahe, ipinaabot niya ang kanyang pasasalamat sa mga mamamayan ng Cordillera sa kanilang matatag na suporta sa lahat ng mga programa ng gobyerno sa paglaban sa ilegal na droga at terorismo, at ang patuloy na suportang natatanggap ng programang B.I.D.A. o “Buhay Ingatan, Droga’y Ayawan”.

“Sa aking huling opisyal na pagbisita sa PRO Cordillera, nais kong iwan ang mga magagandang aral ng karanasan na sana’y magsilbing inspirasyon sa lahat. Una, isapuso ang paglilingkod. Pangalawa, sundin ang tagubilin ng ating pangulo. Pangatlo, yakapin ang Transparency and Integrity Program.”
Si PLtGen Sermonia ay nakatakdang magreretiro sa susunod na buwan matapos maglingkod sa bansa ng halos 38 taon.
Panulat ni Patrolwoman Febelyne C Codiam