Tuao, Cagayan (January 23, 2022) – Natimbog ang isang lalaki sa isinagawang COMELEC checkpoint ng mga kapulisan ng Tuao Police Station, Regional Mobile Force Battalion 2 at 1st Cagayan Provincial Mobile Force Company sa koordinasyon sa COMELEC sa Barangay Alabiao, Tuao, Cagayan dakong 12:15 PM ng Enero 23, 2022.
Kinilala ang suspek na si Lorenzo Pagulayan Jr. y Fronda, 25 taong gulang, guro at residente ng Asinga Via, Baggao, Cagayan.
Batay sa report ng PNP Tuao, napara nila ang isang Mitsubishi Montero na kulay itim na walang plaka o conduction sticker.
Sa isinagawang pagsisiyasat batay sa plain view doctrine, nang ibinaba ng suspek ang bintana ng kanyang sasakyan ay agad nakita ng mga kapulisan ang isang (1) unit ng caliber 22 revolver na may markang cal. 22.Lt.HW3 TELL na may pitong (7) bala at isang (1) holster.
Hiningan si Pagulayan ng mga dokumentong magpapatunay na legal ang kanyang pagbitbit ng baril subalit wala itong maipakita.
Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa RA 10591 o Comprehensive Firearm and Ammunition Regulation Act at Omnibus Election Code.
Kasalukuyan nasa kustodiya na ng Tuao Police Station si Pagulayan para sa dokumentasyon at tamang disposisyon.
####
Panulat ni Police Corporal Carla Mae P Canapi
Galing tlga ng mga pulis ntn slmt s serbisyo