Laguna – Sinira ng CALABARZON PNP ang tinatayang Php787,252 halaga ng nakumpiskang ilegal na paputok sa PRO 4A Covered Court, Camp BGen Vicente P Lim, Calamba City, Laguna nito lamang Enero 3, 2024.
Ang aktibidad ay pinamunuan ni Police Brigadier General Paul Kenneth Lucas, Regional Director, PRO 4A katuwang ang mga matataas na opisyal.
Ayon sa ulat, mula Disyembre 16, 2023 hanggang Enero 2, 2024, ang PRO CALABARZON ay nagsagawa ng walang humpay na kampanya laban sa ilegal na paggamit, pagmamay-ari at pagbebenta ng mga paputok.

May kabuuang 7,757 tauhan mula sa PNP at advocacy groups ang naikalat at nagsagawa ng masusing inspeksyon sa 607 lugar ng convergence, na sumasaklaw sa 188 palengke, 88 malls, 44 parke, 91 terminal/port at 205 simbahan.
Tinatayang 23,466 na ipinagbabawal na paputok ang nakumpiska na may tinatayang halaga na Php787,252 ang sinira, isa ang naaresto sa pagdiskarga ng mga baril, anim na indibidwal na sangkot sa ilegal na pagmamay-ari, paggamit at pagbebenta ng mga paputok, 241 nasugatan ang nauugnay sa mga paputok, 240 na discharged, isang indibidwal ay ginagamot at walang iniulat na nasawi.
Layunin nitong tiyakin ang kapayapaan at seguridad sa buong rehiyon at hinimok ang mga mamamayan na sundin at makiisa sa programa ng gobyerno at kapulisan na panatilihin ang kaayusan at kaligtasan ng bawat isa.
Source: Police Regional Office 4A
Panulat ni Police Staff Sergeant Donabel T Dulin