Pangasinan – Arestado ng San Manuel PNP ang isang lalaki sa kinakaharap nitong kasong Rape sa Sitio Riverview Brgy. Sumabnit, Binalonan, Pangasinan, nito lamang Lunes, ika-1 ng Enero 2024.
Kinilala ni Police Major Edgar Allan Serquiña, Hepe ng San Manuel Municipal Police Station, ang suspek na si Melchor Damasco Medrano Jr, 26, may asawa at residente ng nabanggit na lugar.
Ayon kay PMaj Serquiña, inaresto ang suspek sa bisa ng Warrant of Arrest na inihain ng San Manuel Municipal Police Station katuwang ang Provincial Intelligence Unit Pangasinan PPO sa kasong Rape na walang nirekomendang piyansa.
Ang operasyon ng San Manuel PNP ay naging matagumpay sa pakikipagtulungan ng mamamayan upang mapaigting ang kampanya kontra kriminalidad para mapanagot ang mga taong may sala sa batas.
Source: San Manuel MPS
Panulat ni PSSg Marvin Jake Romero